Apat mula sa limang Pilipino na may edad 15 pataas ang isa hanggang tatlong beses kada linggo na lumalabas ng kanilang bahay sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Batay sa Mobile Phone Survey ng Social Weather Stations (SWS), 81% ang nagsabing lumalabas sila ng isa hanggang tatlong beses kada linggo para mamalengke at bumili ng pagkain.
98% naman ang nagsabing lumalabas sila ng isa hanggang tatlong beses kada linggo para bumili ng gamot at para sa kanilang financial transactions.
Para sa average ng mga sagot ng respondents, ipinapakita na 2.58 times na lumalabas ang mga ito para sa pagbili ng pagkain, 1.29 times para sa pagbili ng gamot, at 1.21 beses para sa kanilang financial transactions.
Isinagawa ng SWS ang survey nitong Mayo 4 hanggang 10 kung saan respondents ang nasa 4,010 working-age Filipinos na edad 15 pataas.