MANILA – Nasa 44 percent ng mga pinoy ang naniniwalang maaring umibig ng sabay sa magkaibang tao.Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong huling quarter ng 2016 o mula December 3 hanggang 6.Sa nasabing survey, tinanong ang mga respondent kung “sa palagay nila ay maari bang umibig ng higit sa isang tao ng magkasabay o sa parehong pagkakataon”.Nasa 25% ang sumagot ng “talagang posible”, 19% ang nagsabing “medyo posible” at 37% naman ang nagsabing “talagang imposible” habang nasa 12% naman ang undecided.Ayon sa SWS, ang net possibility score ng tsansang umiibig ng higit sa isang tao sa parehong pagkakataon ay maituturing na ‘strong’ o positive 47.Karamihan sa mga sumagot na posible talaga ang magmahal ng higit sa isang tao ng magkasabay ay pawang mga muslim (34%), iglesia ni cristo (29%), iba pang relihiyon (26%) habang nasa (24%) ang katoliko.
Apat Sa Bawat Sampung Pilipino, Naniniwalang Kayang Mahalin Ng Sabay Ang Dalawang Tao At Maraming Pilipino Pa Rin Ang Ma
Facebook Comments