Pagbibigay Ng Hindi Lalagpas Sa Dalawang Pisong Gratuity Pay Para Sa Government Contractual Workers, Pinirmahan Na Ni Pa

13

MANILA – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1000 hanggang P2000 gratuity pay para sa contractual workers ng gobyerno.Batay sa administrative order, karapat-dapat ang pagbibigay ng nasabing year-end gratuity pay bilang pagkilala sa trabaho ng mga contractual worker.Sa nasabing utos, makatatanggap ng hindi lalagpas na P2000 ang mga contractual worker na nakapagtrabaho ng apat na buwan o mahigit pa bago ang December 15, 2016.Samantala, hindi naman hihigit sa P1000 ang matatanggap ng mga contractual worker ng gobyerno na hindi pa lagpas sa apat na buwan ang ipinasok.Sakop ng administrative order sa gratuity pay ang mga contractual worker sa lahat ng ahensya ng gobyerno, state universities, government owned and controlled corporation, at mga government financial institution.

Facebook Comments