Apat sa limang pilipino, payag mabakunahan ng COVID-19 booster shot – SWS survey

Mayorya ng mga Pilipino ang payag mabakunahan ng COVID-19 booster shot ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumalabas sa datos ng SWS na 80 percent ang willing magpa-booster habang 7% naman ang ayaw magpaturok nito at 13% naman ang hindi pa sigurado patungkol dito.

Nakapagtala ng pinakamataas ng willingness rate ang Balance Luzon na may 82%, sinundan naman ito ng Metro Manila na 81%; Visayas na may 79% at Mindanao na may 78%.


Isinagawa ang survey noong Disyembre 12 hanggang 16 noong nakaraang taon kung saan nagsagawa ng face-to-face interview sa 1,440 adult Filipinos mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa ngayon, nasa mahigit anim na milyong pilipino na ang nabakunahan ng booster dose kontra COVID-19.

Facebook Comments