APEC SUMMIT | PRRD, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Papua New Guinea.

Lumapag ang private plane ng Pangulo sa Davao City dakong 6:47 ng gabi.

Agad na dumiretso ang Pangulo sa kanilang bahay gamit ang bell chopper at hindi na nagbigay ng arrival speech.


Bago ito, hindi itinuloy ng Pangulo ang planong maagang pag-alis sa Papua New Guinea at sa halip ay tinapos ang mga event sa Summit.

Facebook Comments