APEC, tiyak na magpiprisinta sa Pilipinas ng mas maraming oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan

Para kay House Speaker Martin Romualdez, mahalaga ang magiging pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC leaders meeting sa Thailand.

Tiwala si Romualdez na ang paglahok ni Pangulong Marcos sa APEC leaders meeting ay magpiprisinta ng mas maraming oportunidad para sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ni Romualdez, ang presensya ni PBBM sa APEC event ay magpapaunlad din sa ugnayan natin sa mga pinuno ng ibang mga bansa o mga ekonomiya.


Diin pa ni Romualdez, maisusulong din ni Marcos ang Pilipinas bilang kaakit-akit na lugar para sa pamuhunan o bilang destinasyon sa turismo, at pagiging isang magandang partner sa kalakalan.

Ang APEC ay isang inter-governmental forum na binubuo ng 21 mga bansa o ekonomiya sa Pacific Rim na nagsusulong ng free trade sa buong rehiyon ng Asia-Pacific.

Facebook Comments