Mga opisyal ng DENR, ipinasasailalim sa lifestyle check

Iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo na isailalim sa ‘lifestyle check’ ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pagtalakay sa budget ng DENR sa plenaryo, hiniling ni Tulfo na isailalim sa ‘lifestyle check’ ang undersecretaries at assistant secretaries ng ahensya.

Sinabi ni Tulfo na mayroong nakaupong mga undersecretary sa ahensya na aniya’y panahon pa ng ‘dinosaur’ ay naroroon na at nagka-dementia na dahil nakalimutang gawin nang tama ang kanilang tungkulin.


Iginiit pa ng senador na mayroon umano siyang ebidensya sa mga katiwalian ng ilang mga opisyal ng DENR kung saan ang iba pa rito ay nakikipagsabwatan pa sa mga illegal miner.

Pansamantalang sinuspinde ng Senado ang kanilang rules sa sesyon sa plenaryo para matanong ng direkta tungkol dito si Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga.

Hindi naman nakuntento si Tulfo sa tugon sa kaniya ng kalihim na may binuo na silang team na may kaparehong layunin, integridad at commitment.

Facebook Comments