Manila, Philippines – Aabot ng 19,000 na mga manggagawa ang tiyak na
mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng Boracay Island.
Kabilang sa direktang tatamaan ay ang mga kargador sa bangka, tricycle
driver at mga trabahador ng iba’t-ibang resort doon.
Sabi ni Neneth Graf, Pangulo ng Boracay Foundation Inc. – nagpadala na sila
ng sulat sa Malacañang para irekonsidera ang desisyon na pagpapasara sa
isla.
Malaki kasi aniya ang negatibong epekto nito, lalo na sa international
community.
Maging ang taunang aktibidad sa isla tuwing Mayo na “Labor-Racay” ay
posibleng hindi matuloy sa pangamba na makadagdag pa sa problema ang
pagdagsa ng mga turista.
Samantala, magsasagawa naman mamayang gabi ng Save Boracay campaign na
lalahukan ng mga dayuhan at lokal na turista para ipanawagan ang pagsagip
sa sikat na isla.
Dito ay papatayin lahat ang mga ilaw sa mga business establishment sa isla
sa loob ng walong minuto at sa halip ay hinikayat ang mga turista na
pailawin ang kanilang mga cellphone.