HINDI TOTOO | Atty. Baligod, iginiit na kathang isip lang ni Janet Napoles ang sinasabi nitong banta sa kanyang buhay

41

Manila, Philippines – Nanindigan ang pangunahing complainant sa Priority
Development Assistance Fund Scam na si Atty. Levi Baligod na kathang isip
lang ni pork barrel queen Janet Napoles ang sinasabi nitong may banta sa
kanyang buhay sa camp bagong diwa.

Ang pahayag ni Baligod ay kasunod ng pagdedeklara ng Deptartment of Justice
kay Napoles na isailalim sa provisional Witness Protection Program at
ilipat sa DOJ ang kanyang kustodiya.

Sabi pa ni Baligod, ang totoong hangarin ng DOJ ay mapawalang bisa ang mga
kasalanan ni Napoles laban sa bayan.

Malabo kasi aniyang magkaroon ng banta sa buhay ni Napoles sa loob ng Camp
Bagong Diwa dahil bantay sarado ito.

Iginiit din nito ang tila pagkikibit-balikat ng prosekusyon dahil sa naging
desisyon nitong gawing state witness si Napoles sa kabila ng malinaw na
resulta ng mga pagdinig noon sa Senado.

Facebook Comments