Apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal, umabot na sa mahigit 5000 indibidwal

Umabot na sa 1,539 na pamilya o 5,688 na indibidwal ang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa 17 bayan sa lalawigan ng Batangas.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC mula kahapon, March 29.

Sa bilang ng mga apektado, 1,142 na pamilya o 3,771 ang kasalukuyang tumutuloy sa 17 evacuation centers.


Patuloy naman ang naitatalang mga aktibidad ng PHIVOLCS sa bulkang Taal kaya’t pinapayuhan ng NDRRMC ang mga residente na gawin ang ibayong pag-iingat at sundin lagi ang mga abiso ng awtoridad.

Facebook Comments