Umabot na sa mahigit 346,000 indibidwal ang naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sa bilang ng mga apektado, 137,358 ang tumutuloy ngayon sa 488 evacuation centers.
Nanatili naman sa mahigit 3.2 million pesos ang halagang napinsala ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa mga pananim at livestock sa Batangas, Laguna at Cavite.
Sa ngayon batay pa rin sa ulat ng NDRRMC, halos 27 million pesos na ang naitulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Pag-aalburuto ng Taal Volcano.
Ang mga tulong na food at non-food items ay nagmula sa DWSD, DOH, DEPED at LGU.
Nananatili namang nakaalerto ang NDDRMC para mamonitor pa rin ang sitwasyon sa Batangas.
Facebook Comments