APEKTADO | Presyo ng commercial rice, posibleng tumaas

Manila, Philippines – Nababahala si House Committee on Food and Agriculture Chairman Rep.Jose Panganiban na posibleng mas tumaas ang presyo ng commercial rice.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Panganiban na nakaambang ang pagtaas sa presyo ng commercial rice dahil tumaas rin ang presyo ng palay.

Ayon kay Panganiban, ang kasalukuyang presyo ng commercial rice na aabot sa 45 pesos kada kilo ay posibleng tumaas sa 50 pesos per kilo.


Ito ay dahil umabot na sa 25.50 pesos per kilo ang bentahan ng palay mula 17 pesos kada kilo na tiyak na magreresulta sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Nilinaw din nito na hindi kulang ang supply ng bigas kundi ang kulang ay supplier ng murang bigas.

Aminado ang kongresista na marami ang nananabotahe dito kaya iniipit ang supply sa murang bigas.

Facebook Comments