Pagsasala sa Mga Sumailalim sa SM Scholarship Exam, Ginagawa na

Tuguegarao City, Cagayan – Masusi ngayong ginagawa ang pagsasala sa mga sumailalim sa screening ng SM College Scholarship Program sa Lungsod ng Tuguegarao.

Magugunitang nagkaroon ng examinasyon ang 81 na mga estudyante buhat sa ibat ibang eskuwelahan ng Cagayan at Isabela na nais sumailalim sa programang ito noong Pebrero 12, 2018 sa SM Center Tuguegarao Downtown.

Partikular na sumali na mga eskuwelahan ay ang Cagayan National High School, Tuguegarao City Science Senior High School, Linao National High School, Cataggaman National High School, University of Cagayan Valley, University of Saint Louis Tuguegarao, Piat National High School at Isabela State University.


Ayuon kay Ms Ling Langsang, ang AVP of SM Foundation-Education Program, ang ebalwasyon ay ginagawa na at ang pagsasapinal ng mga makakatamasa sa SM Scholarship ay sa buwan ng Abril.

Ilan pang screening ang gagawin sa SM City Cauayan at mga ibang sangay nito sa Tarlac, Sta Rosa, Olongapo, CDO, Cabanatuan. Rosales, San Pablo, Bacoor, General Santos, Marilao, Baliwag. Zamboanga City, Roxas at Butuan.

Facebook Comments