Apektado sa patuloy na bakbakan sa Marawi City, halos 400,000 katao na

Manila, Philippines – Halos 400,000 katao na ang apektado ng bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao Del Sur.

Ayon kay Liza Mazo, ARMM-Regional Civil Defense Director, nagsilikas na rin kasi ang ibang residente sa mga karatig bayan dahil sa takot na kumalat sa kanilang lugar ang kaguluhan.

Gayunman, aminado si Mazo na nahihirapan na rin ang mga nangunguna sa relief operations dahil sa mga sakit sa evacuation center.


Kabilang aniya sa mga ikina-aalarma nila ang mga sakit sa balat at gastroenteritis o hirap matunawan maging ang mga kaso ng psychological trauma dulot ng sagupaan.

Simula pa noong isang buwan, halos 30 bakwit o evacuee na ang namamatay dahil sa iba’t ibang sakit.

Facebook Comments