Joint patrol, ilulunsad ng Indonesia at Pilipinas sa Celebes sea ngayong linggo

64

Manila, Philippines Nakatakdang ilunsad sa Huwebes, Hulyo 6, ang joint patrol ang Pilipinas at Indonesia sa Celebes sea.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command Spokesperson Major Ezra Balagtey, maglalayag mula sa Davao City ang barko ng dalawang bansa.

Aniya, layon nitong mapigilan ang mga islamist militant na makalusot sa rehiyon ng Mindanao.


Ito na ang ikatlong beses na joint partol na gagawin sa rehiyon sa loob ng isang buwan.

Ang isasagawang joint patrol ay matatapos sa susunod na linggo sa Manado City, sa Sulawesi Island.

Facebook Comments