Apela ng pamahalaan laban sa acquittal ni dating Makati City Mayor Elenita Binay, ibinasura ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ng pamahalaan laban sa acquittal ni dating Makati City Mayor Elenita Binay.

Kaugnay ito ng P21.7 million city hall furniture contract na pinasok ni ginang Binay noong alkalde pa ito ng Makati taong 2000 sa Asia Concept International Inc.

Sa resolusyon na may petsang Mayo 8, sinabi ng Anti-Graft Court Fifth Division na hindi nila kayang baligtarin ang October 28 decision dahil walang sapat na ebidensiya para pagtibayin ang hirit ng pamahalaan.


Ang desisyon kasi na nagbibigay ng demurrer to the evidence kay Binay ay nangangahulugan ng acquittal.
DZXL558

Facebook Comments