Apela ng Pilipinas na ipahinto ang imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte, ibinasura ng ICC

Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang apela ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon nito sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Appeals Chamber, mayorya sa kanila ang pabor na ibasura ang apela ng bansa habang dalawa ang nag-dissent o hindi pumabor sa pagbasura.

Nabigo anila ang Pilipinas na mapatunayan ang mga argumento at mabigyang diin ang punto upang makumbinsi ang mga mahistrado.


Kabilang sa grounds na inilatag ng bansa ay ang pagkakaroon ng imbestigasyon at prosekyusiyon sa mga sangkot sa extra judicial killings.

Sabi ng Appeals Chamber, hindi nila nakitang ginawa ito ng Pilipinas kung kaya’t dinismiss nila ang puntong ito.

Dagdag pa nila, bibigyang pansin nito ang isyu ng hurisdiksyon kaugnay sa pagkakaroon ng papel ng ICC na imbestigahan ang Pilipinas matapos itong kumalas sa Rome Statute.

Ibig sabihin, maipagpapatuloy na ni ICC Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon at saka dedesisyunan kung hahatulan ba ang mga opisyal na sangkot sa war on drugs.

Facebook Comments