Diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ng dalawang bidder para sa gagawing online voting para sa mga Overseas Filipino sa 2025 Midterm elections.
Ito ay ang Indra Soluciones Technologias de la Information, SLU at We Are IT Philippines, Incorporated.
Base sa desisyon ng Bids and Awards Committee ng Comelec, hindi nakapagbigay ng kumpletong dokumento ang dalawang kompanya para sa kanilang intensyon na sumali sa bidding.
Dahil dito, agad pinadalhan ng BAC ng Comelec ng Notice of Ineligibility ang dalawang kompanya para paalam sa kanila na sila ay hindi kwapilikado sa Online Voting and Counting System ng 2025 Midterm election.
Muling magsasagawa ang Comelec ng panibagong bidding sa susunod na buwan para maghanap ng kompanya na may sapat na teknolohiya para sa online overseas voting.