Mag-ama, patay; 8, sugatan sa sunog sa Tondo, Manila

Dalawang tao ang patay sa sunog sa Number 800 Fullon Street, Dagupan, Tondo, Manila.

Ito ang kinumpirma ni Fire Supt. Leo Andiso, Deputy Fire Marshal ng Manila Fire District.

Ayon kay Andiso, mag-ama ang nasawi sa sunog.


Hindi na muna tinukoy ni Andiso ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi dahil nasa state of shock pa ang pamilya.

Bukod sa mag-amang nasawi, nasa walong katao naman ang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog kung saan 30 bahay ang natupok ng apoy.

Nasa isandaang pamilya ang nawalan ng tahanan.

Nasa P1.5 milyon ang halaga ng ari-arian ang nasunog.

Dahil gawa sa light materials at magkakadikit ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy.

Nagsimula ang sunog kaninang alas-1:29 ng hapon at naideklarang fire under control ng alas-2:43 ng hapon.

Facebook Comments