Inihinto na muna ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa VISA Upon Arrival ng mga turistang Chinese mula Wuhan City.
Ito ay para mapigilan ang posiibilidad na pagpasok sa bansa ng 2019 Novel Coronavirus o N-Cov.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, ginamit nilang batayan dito ang pagsuspinde ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa lahat ng direktang flights mula Wuhan.
Taong 2017 nang ilunsad ng BI ang VISA Upon Arrival Program para makahikayat ng mas maraming turista at investors mula China.
Facebook Comments