Aplikasyon para sa kompensasyon ng mga apektado ng oil spill, magsisimula na bukas

Sisimulan na bukas ng insurance company ng lumubog na MT Princess Empress ang pagtanggap ng aplikasyon para sa compensation claims ng mga residenteng apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Kabilang sa maaring mag-claim ng kompensasyon ay ang mga indibdiwal, korporasyon at lokal na pamahalaang apektado ng oil spill.

Isasagawa ang claims caravan sa provincial capitol sa Calapan City.


Inabisuhan naman ang mga maghahain ng claims na magsumite ng accomplished claim forms, supporting documents at proof of financial loss.

Nakadepende ang halaga ng kompensasyon sa sitwasyon ng claimants at kanilang kategorya.

Facebook Comments