Konstruksyon sa kahabaan ng NLEX, ititigil muna simula March 31-April 11

Ititigil muna ng North Luzon Expressway (NLEX) ang lahat ng repair at konstruksyon sa kahabaan ng expressway simula March 31 hanggang April 11.

Ito ay upang matiyak na magiging maayos at maiiwasan ang pagbibigat ng traffic dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista sa Holy Week.

Pinayuhan naman ni NLEX Traffic Senior Manager Robin Ignacio ang mga motorista na tiyaking may load ang kanilang mga RFID para maiwasan ang abala.


Hangga’t maaari rin aniya ay bumiyahe nang mas maaga at huwag sabayan ang dagsa ng mga motorista na posibleng magsimula sa Miyerkules Santo.

Samantala, magkakaroon din ang NLEX ng free towing simula April 5 hanggang 11.

Facebook Comments