Aplikasyon para sa mababakanteng pwesto sa Court of Appeals, binuksan na ng JBC

Binuksan na ng Judicial and Bar Council ang nominasyon at aplikasyon para sa mababakanteng pwesto sa Court of Appeals.

Ito ay para sa posisyon ni CA Presiding Justice Romeo Barza na magreretiro sa Agosto 2.

Ayon sa abiso ng JBC, mayroon hanggang September 10, 2019 ng alas 4:30 ng hapon ang mga aplikante na magsumite ng aplikasyon o rekomendasyon.


Para sa mga nominasyon, kailangan ay may kasama itong conforme o dokumento na nagsasabing tinatanggap ng nirekomenda ang nominasyon sa kanya.

Facebook Comments