Aplikasyon para sa mga contact tracer, sisimulan na ng DOLE sa Sabado

Sisimulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa darating na Sabado (April 17) ang kanilang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga contact tracer.

Ang mga aplikante na matatanggap sapamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE kung saan idedeploy sila sa iba’t-ibang lungsod sa Metro Manila.

Ito’y sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 kasabay ng hangarin ng pamahalaan na mapalakas pa ang contact tracing system.


Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Ma. Karina Perida-Trayvilla, kanilang iaanunsiyo ang notice of hiring at serye ng mga abiso ang DOLE katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan para sa recruitment ng contact tracers.

Dagdag pa ni Trayvilla, ang nasabing recruitment ng mga contact tracers ay tatagal lamang hanggang April 22.

Pangunahing hinihimok na na mag-apply ay mga “displaced informal sector” o mga nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sinabi pa ni Trayvilla na aabot lamang sa halos 5,000 ang tatanggapin ng DOLE, mula sa naunang target na 14,000 dahil na run sa usapin ng budget.

Pero tiniyak nito na ang mga contact tracer nila ay makakatanggap ng napag-usapan sweldo na P537 kada apat na oras na trabaho kasama na ang accident insurance.

Matatandaang inilaan ang nasa P232 million na budget para sa contact tracers kung saan ang mga COVID-19 test at iba pang kailangan ng mga ito ay maaaring sagutin ng mga lokal na pamahalaan kung saan sila ide-deploy.

Facebook Comments