Aplikasyon para sa one-time P5,000 cash aid sa mga manggagawang apektado ng Alert Level 3, target buksan ng DOLE sa susunod na linggo

Target ng Department of Labor and Employment na buksan sa susunod na linggo ang aplikasyon para sa one-time P5,000 cash aid sa mga manggagawa sa pribadong sektor na apektado ng pagpapatupad ng alert level 3.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, hinihintay na lamang ang approval ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa guidelines Ng p1-billion COVID Adjustment Measure Program o CAMP 2022.

Aniya, nakapaloob dito ang guidelines kung sino ang mga kwalipikado at ang mga kinakailangan nilang dokumento para makakuha ng tulong pinansiyal.


Samantala, nilinaw ni Tutay na hindi na kasama rito ang mga empleyadong una nang nakatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng CAMP sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.

Inaasahang nasa 200,000 manggagawa ang makikinabang dito na karamihan ay nawalan ng kabuhayan dahil sa permanenteng pagsasara ng kanilang mga pinagtatrabahuan.

Facebook Comments