P1.185 billion na pondo para sa SRA ng mga healthcare worker, aprubado na ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng ₱1.185 billion na pondo para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare worker sa pampubliko at pribadong mga ospital.

Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant Secretary Maylene Beltran, nasa ₱8 billion na ang halaga ng pondong nailabas ng gobyerno para sa SRA ng 496,314 healthcare workers mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.

Sa ngayon aniya ay humihingi pa ang DOH ng higit ₱3 billion para naman sa SRA ng 184,799 na healthcare workers.


Samantala, hanggang nitong Enero 17 ay nasa kabuuang 390,662 na ang nakatanggap ng kanilang hazard pay mula sa higit ₱6.5 billion na pondo.

Facebook Comments