Aplikasyon sa pag-utang ng mga MSMEs, mas pinadali pa ayon sa BSP

Pinasimple na ngayon ang aplikasyon ng pag-utang para sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, nakipag-ugnayan sila sa Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang industriya upang mas madali nang makautang ang mga kababayan na gustong magsimula ng maliit na negosyo.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2019, aabot sa 99.5% o 995,745 ang kabilang sa MSME sa 1.5 milyon na negosyo sa Pilipinas.


Facebook Comments