Thursday, January 22, 2026

Apple, ipinagbabawal na ang vaping apps sa kanilang app store

Ipinagbabawal na ng kumpanyang Apple technology ang kahit anong vaping related apps sa kanilang app store matapos ang isyu sa e-cigarette na maaari daw itong makasama sa baga o maging sanhi ng pagkamatay ng mga taong gumagamit nito.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) – maraming kaso na ng lung injuries ang nakukuha ng mga gumagamit ng e-cigarette at vaping products.

Dahil dito – ikinatuwa ng American Heart Association ang pagsama ng Apple sa kanila para labanan ang paggamit ng e-cigarette sa iba’t ibang mga bansa.

Bukod dito, balak ding makipag-usap ni President Donald Trump sa vaping industry representatives para isulong ang pagba-banned ng e-cigarette products na nakakasama sa kalusugan.

Nabatid kasi na may 39 na ang namatay habang nasa 2,000 naman ang tinamaan ng sakit sa US dahil sa paggamit ng e-cigarette.

Facebook Comments