Apple, naglabas ng monitor stand na mas mahal pa sa iPhone; binatikos

Bumuhos ng pambabatikos mula sa mga kritiko at maging ilan sa mga taga-hanga ng Apple, ang kalulunsad pa lamang nitong monitor stand.

Matunog ang bagong produktong ito ngayon hindi dahil sa features nito, kundi dahil lang naman sa halaga nitong $999 o katumbas ng halos P50,000.

Inanunsyo ito sa taunang Worldwide Developer Conference, kasabay ng iba ring bagong produkto gaya ng Mac Pro desktop na nagkakahalagang $6,000.


Ang stand ay optional naman para sa Pro Display XDR, 32-inch display monitor na nagkakahalagang $4,999.

Ngunit hindi pa rin ito nakaligtas sa mga kritiko at mga pumuna na masyado itong mahal para sa stand, kagaya na lamang ng isang international YouTuber na idinaan sa sarcasm ang opinyon.

 

Marami naman ang sumang-ayon at nakiisa sa thread na ito.

 

Habang, mayroon pa rin namang mga nagtanggol sa produkto at ikinatwiran na mga “high level professionals” ang target nito.

Facebook Comments