Manila, Philippines – Itinigil ng Transport Network Vehicle Service (tNVS) na *grab* ang pagtatanggap ng aplikante mula sa mga gustong maging driver at operator.
Nabatid na pinatawang ng tig-limang milyong piso ang grab maging ang kakumpitensya nitong uber dahil karamihan sa kanilang mga unit ay colorum.
Sa tala ng grab, nasa 28,000 ang kanilang aktibong unit pero halos apat na libo lamang ang may permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa interview ng RMN kay Grab Spokesperson John Paul Nabua – inamin nito na hindi na-regulate ang dami ng mga applicants.
Sinabi pa ni Nabua – hanggang sa ngayon, bumibiyahe at pumapasada pa ang mga colorum nilang mga sasakyan.
Sa ngayon, kinakailangan pa rin ng grab ng karagdagang 6,000 hanggang 8,000 applicants para mapuna ang demand o dami ng mga tumatangkilik na pasahero.
Ipatatawag sa susunod na linggo ang isang technical working group para malaman kung gaano kalaki ang demand sa TNVS.