Application evaluation para sa booster shot ng mga batang edad 5-11 taong gulang, kayang tapusin ng FDA sa loob ng 3 linggo

Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) na kaya nilang tapusin sa loob ng tatlong linggo ang application evaluation para sa pagbibigay ng booster dose sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dir. Oscar Gutierez ang OIC Director General ng FDA na sa ngayon ay naghihintay pa sila ng maghahain ng aplikasyon para dito.

Ani Gutierrez, wala pa kasing nag-a-apply kaya wala pa silang natatanggap na aplikasyon para isailalim ito sa evaluation.


Kasunod nito, siniguro pa ng opisyal na kakayanin nila itong maaprubahan bago pa man sumapit ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo a-30, basta’t mayroon lamang maghain ng aplikasyon.

Paliwanag pa ni Gutierrez, marami naman silang nagtutulungan sa evaluation kasama na ang ating Vaccine Expert Panel (VEP).

Facebook Comments