Application letter ng 9-taong gulang na nag-aplay sa NASA – viral

Amerika – Viral online ang picture ng isang application letter ng siyam na taong gulang sa National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Sa tweet ng NASA, nagpasa ng sulat ang batang si Jack Davis para mag-aplay bilang Planetary Protection Officer.

Sabi ni Jack, bagay na bagay daw siya sa posisyon dahil mahilig siyang manuod ng mga space at alien movie.


Tinawag din niya ang sarili niya na “Guardian of the Galaxy”.

Tuwang-tuwa naman sa kanya ang Planetary Science Division Director ng NASA na si Dr. James L. Green kaya agad niyang tinawagan si Jack at ipinaliwanag sa kanya ang importansya ng nasabing trabaho.

Pinasalamatan din niya ang bata dahil sa pagpapakita ng interes sa posisyon.

Facebook Comments