Gilas Pilipinas – ‘in high spirits’ pa rin sa FIBA Asia cup kahit hindi nakasama si Junmar Fajardo

FIBA – “In high spirits” ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa 2017 FIBA Asia Cup sa Lebanon.

Ayon kay Gilas head coach Chot Reyes, mataas ang kumpiyansa nilang mananalo sa torneyo kahit hindi nakasama ang center player nilang si Junmar Fajardo dahil sa injury.

Aniya, ibinigay na niya kina Japeth Aguilar, Raymond Almazan at Christian Standhardinger ang responsibilidad na dapat ay papapelan ni Fajardo.


Sa Miyerkules na, August 9 – sasabak sa unang laro ang Gilas kontra China habang sa Biyernes naman nila makakaharap ang Iraq.

Facebook Comments