Kasalukuyang nire-review ng Vaccines Experts Panel (VEP) ang bagong applications para sa pagsasagawa ng dalawang independent COVID-19 vaccine clinical trials sa bansa.
Ayon kay Dr. Mario Antonio Jiz, panel member at Chairperson ng Immunology Department sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang Task Group o Vaccine Evaluation and Selection ay nakatanggap ng bagong application para sa pagsasagawa ng dalawang COVID-19 clinical trials.
Nasa limang COVID-19 vaccine clinical trial ang dumaan sa review ng VEP, at tatlo rito ay inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).
In-evaluate ng VEP ang COVID-19 vaccines para sa posibleng negosasyon ng Vaccine cluster alinsunod sa criteria ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 Vaccine Prioritization at WHO Target Product Profiles para sa COVID-19 vaccines.
Sinabi naman ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña na nagbigay ng technical review ang VEP sa mga isinumiteng clinical trial data bilang bahagi ng Emergency Use Authorization (EUA) applications ng vaccine developers.