Pansamantalang itinigil ng Philippine Embassy sa Beirut, Lebanon ang pagtanggap ng aplikasyon sa chartered Mass Repatriation Flight dahil puno na ang chartered flight na naka-schedule sa August 16, 2020.
Sa abiso ng Embahada, ang hindi makasasama sa nasabing flight ay maaaring makasakay sa susunod na Free Mass Repatriation program mula August 18 hanggang September 01, 2020.
Tiniyak naman ng Embahada na ia-accommodate sa mga susunod na chartered flight ang iba pang mga Pilipinong nais nang umuwi sa Pilipinas.
Mag-aanunsiyo ang Embahada kapag nagsimula na muli ang pagtanggap nila ng aplikasyon sa pamamagitan ng online registration request para sa Free Voluntary Mass Repatriation Program.
Facebook Comments