‘Appointed Son of God,’ pinaaresto na ng Senado

Nag-isyu na ang Senado ng arrest order laban kay Pastor Apollo Quiboloy na leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Nilagdaan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong araw ang pagpapaaresto laban sa pastor dahil sa paulit-ulit na pagtanggi nitong humarap sa imbestigasyon ng komite.

Ang arrest order ay nag-ugat sa rekomendasyon ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros matapos na hindi tanggapin ang paliwanag ni Quiboloy sa show cause order na ipinadala ng Senado.


Matatandaang iniimbestigahan ng komite ang pastor laban sa mga reklamo ng human trafficking, panghahalay, sexual abuse at iba pang pangaabuso sa mga kabataan at kababaihan na myembro ng KOJC.

Binibigyan naman ang Senate Sergeant-at-Arms ng 24 oras na maipatupad ang pag-aresto kay Quiboloy mula sa enforcement ng nasabing kautusan.

Facebook Comments