Appointment papers ng mga miyembro ng BTA, isinapubliko na ng Malacañang

Manila, Philippines – Inilabas na ng Palasyo ng Malacañang ang appointment papers ng mga bumubuo sa Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Ang BTA ay ang mamumuno sa Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao at maninilbihan sa posisyon hanggang sa 2022 para bigyang daan ang unang halalan sa Bangsamoro Region sa nasabing taon.

Una nang inanunsiyo ni Pangulong Duterte ang kanyang pagtatalaga kay Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Haj Murad Ibrahim bilang Chief Minister ng BTA na binubuo ngayon ng mahigit 70 miyembro.


Ilan lamang sa mga kilala na miyembro ng BTA ay sina MILF Chief Negotiator Mohager Iqbal, Ghazli Jaafar, Ali Omar Salik, Basit Abbas at Abdulah Macapaar o Commander Bravo.

Sa listahan ng bumubuo ng BTA na inilabas ng palasyo, ito ay nasa 77 lamang at hindi 80 gaya ng una ng naiulat na dapat maging bilang ng bubuo sa Bangsamoro Transition Authority.

Facebook Comments