Tricycle Driver, Huli sa Pagnanakaw!

33

Echague, Isabela – Natimbog ang isang tricycle driver matapos magnakaw ng bisekleta at steel hand cart sa Brgy. Santa Ana, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Richard Ablang Sudaria, bente otso anyos, may asawa, Tricycle driver at residente ng Brgy. Luna, Santiago City.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, napag-alamang nagnakaw ng isang Mountain Bike at steel hand cart ang suspek kaya nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga brgy. Officials sa pakikipag-ugnayan na rin sa PNP Echague.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay nakita ang suspek at narekober mula sa kanyang pag-iingat ang ninakaw na bisekleta at steel hand cart.

Dinala na sa PNP Echague ang suspek maging ang mga narekober para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iturn over sa PNP Santiago Police Station 2.

Facebook Comments