Appropriations Committee, i-e-exercise ang oversight function sa paggastos ng pambansang pondo ngayong taon

Tiniyak ni Appropriations Chairman Eric Yap na babantayang mabuti ng komite ang paggastos sa pambansang pondo ngayong taon.

Ayon kay Yap, hindi lamang natatapos ang trabaho ng Appropriations Committee sa pagapruba at pagsasabatas ng budget.

Sinabi ng kongresista na i-e-exercise ng komite ang kanilang oversight function upang masilip ang mga igugugol sa 2021 national budget.


Sisiguruhin aniya ng kanyang komite na bawat piso na galing sa buwis ng taumbayan ay direktang mapapakinabangan ng mga Pilipino.

Dagdag pa sa sisilipin ng komite ang paraan ng paggastos sa Bayanihan 1 at 2 partikular na sa mga ahensyang may natanggap na report ng iregularidad.

Irerekomenda ni Yap na sibakin sa pwesto ang sinumang mapapatunayang sangkot sa korapsyon sa paggugol sa pondo.

Facebook Comments