Approval ng IATF, kailangan bago isagawa ang repatriation ng mga Pilipino mula Indonesia

Naghihintay ang Embahada ng Pilipinas sa Jakarta ng desisyon mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung papayagan ang mga Pilipinong makauwi sa bansa kasunod ng pagtaas ng kaso ng Delta variant sa Indonesia.

Nabatid na higit-kumulang anim hanggang walong libong Pilipino ang nasa Indonesia.

Ayon kay Philippine Ambassador Lee Hiong, karamihan sa mga Pilipino ay mayroong expired working contracts at gusto na nilang makauwi,


Pero sinabi ni Hiong na may ipinapatupad ng travel ban mula sa Indonesia kay hindi pa sila makauwi ng bansa.

Bagamat hindi sinabi ng envoy kung gaano karaming Pilipino ang gustong umuwi ng bansa, sinabi niya na kakakayanin ang isa o dalawang flights para i-accommodate ang mga repatriates.

Sa Thailand, sinabi naman ni Philippine Ambassador Millicent Cruz Paredes na nasa 90 Pilipino ang nagnanais na makauwi.

Habang ipinoproseso ang kanilang documentation, nagpadala na ang embahada ng letters of requires sa Thai authorities para palawigin ang kanilang pananatili ng mga Pilipino doon.

Facebook Comments