April Boy Regino, balik muli sa pagkanta

Magbabalik muli sa pag-awit ang singer-songwriter na si April Boy Regino.

Ito’y matapos pupirma ng kontrata si April Boy sa isang recording company at nakatakdang maglabas ng bagong kanta na may pamagat na “hanggang sa wagas”.

Ayon sa singer, masayang-masaya siya dahil gusto niyang maging inspirasyon sa iba na may kapansanan.


Maaalalalang dinanas ni April Boy ang prostate cancer at diabetes na nagresulta sa kanyang pagkabulag.

Nakilala si April Boy sa kanyang mga kantang “di ko kayang tanggapin”, “paano ang puso ko”, at marami pang iba.

Facebook Comments