Govt. officials na responsable sa matutuklasang maanumalyang loan agreements sa China, dapat parusahan

Buo ang suporta ni Senator Panfilo Ping Lacson sa pagpaparepaso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasunduang pinasok ng gobyerno sa pag-utang lalo na sa bansang China.

Pero ayon kay Lacson, hindi ito dapat limitahan sa pagrepaso at pag-imbentaryo lamang ng mga kontrata.

Giit ni Lacson, dapat alamin din kung sinu sino ang mga opsiyal ng pamahalaan ang nasa likod ng mga matutuklasang loan agreements na maanumalya o kaya ay dehado ang Pilipinas.


Diin ni Lacson, dapat siguraduhin na makakasuhan o mapapanagot sa batas ang nabanggit na mga opisyal.

Facebook Comments