Pinapaimbestigahan ni Senator Win Gatchalian sa Department of Information and Communications Technology o DICT ang pag-hack sa websites ng ilang government, military, at educational institution nitong April 1.
Base sa report, natukoy bilang Pinoy LulzSec ang hacking group na nagsagawa nito.
Nakakaalarma para kay Gatchalian ang nangyari dahil posibleng nagkaroon ng access ang grupo sa mga senstibong impormasyon
sa Philippine Army katulad ng listahan ng mga miyembro nito.
Inihalimbawa ni Gatchalian ang nangharing pag-hack noong 2016 sa database ng commission on elections kung saan nailantad sa world wide web ang pribadong impormasyon ng mga botante.
Giit ni Gatchalian, dapat tiyakin na mapanagot ang nasa likod ng hacking incident.
Diin pa ni Gatchalian, dapat ay may ginagawa ng hakbang ngayon para ingatan ang mga kritikal na impormasyon at government networks.