APRUB ITO | Kauna unahang E-Center Building ng Pangasinan sa Bugallon binuksan na!

Naganap kaninang alas 11 ng umaga January 11, 2018 ang inauguration para sa bago at kauna unahang E-Center Building ng Pangasinan sa bayan ng Bugallon. Sa Pangunguna ni Mayor Jumel Anthony Espino, LGU Bugallon at sa tulong ng Department of Technology at TESDA ay malugod nilang binuksan ang kanilang pinaka bagong E-Center.

Ang nasabing E-Center ay magbibigay libreng serbisyo para sa mga estudyanteng nangangaylangan ng libreng Internet Access para sa kanilang research at ibang gawain na may kinalaman sa edukasyon. Magsasagawa din sila ng libreng BPO Training para sa mga mamamayan nilang nag nanais maging call center agent, samantala ang isang palapag naman ng nasabing facility ay para naman sa mga Online Teacher na kung saan maaari silang gumamit ng libreng computer at kumita sa pamamagitan ng Online Teaching. Ayon kay Mayor Jumel Anthony Espino “This building will make our kababayans computer and technological literate”

Sa ngayon ay may 20 na set ng desktop at 10 laptop na magagamit ng libre ng mga mamamayan ng Bugallon. Inaasahang matatapos ang dalawa pang palapag at makumpleto ang 100 na set ng computer hanggang katapusan ng Marso.
[image: Inline image 1][image: Inline image 6][image: Inline image 5][image: Inline image 7]




Facebook Comments