Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang mahigit 3.76 trillion pesos na budget para sa taong 2018.
16 na senador boto pabor dito at walang komontra.
Pagmamalaki ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda, ang budget version ay makatao at tugon sa pangangailangan ng taong bayan
Nakapaloob na sa budget ang 60 billion pesos na pondo para sa pagdoble ng base pay ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel.
Ang CCT program naman ay binigyan ng 89 billion pesos na budget at 3 billion pesos naman na capital outlay para sa iba’t ibang DSWD center sa buong bansa.
Ayon kay Legarda na binigyang din ng sapat na pondo ang juvenile centers at mga regional prison.
Nakapaloob na rin sa budget ang 51 billion pesos para sa libreng tuition sa State Universities and Colleges, Local Universities and Colleges at Technical /Vocational Institutions.
Binanggit din ni Legarda ang libreng irigasyon para sa mga magsasaka dagdag pondo para sa chalk allowance ng mga mga guro.
Ang 1.4 billion pesos naman na pondo ng Philippine National Police o pnp sa war on drugs partikular sa tokhang at double barrel ay inilipat sa maintenance and other operating expenses ng PNP at sa housing ng mga kasapi ng PNP at Armed Forces of the Philippines.
Dinagdagan din ng 6.5 billion pesos ang pondo ng Philhealth.
Nasa 2018 budget na rin ang 10-billion pesos na pondo para sa rehabilitation at reconstruction ng Marawi.