APRUBADO | 25% vote shading threshold, inaprubahan

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang 25% threshold na pagbabasa sa mga shaded ballot para maging lehitimong boto para na nalalapit na 2019 midterm elections.

Sa ilalim ng COMELEC resolution, pinayagan ng komisyon ang 25% threshold o pag-iitim sa bilog ng balota para walang masayang na boto at hindi makasama sa bilang ang mga aksidente o mga maliliit na marka sa mga balota.

Alinsunod sa batas, mandato ng COMELEC na pumili ng teknolohiyang gagamitin sa halalan at kasama na rito ang pagbabasa sa boto ng mga automated counting machines na binili sa Smartmatic na ginamit noong 2016 national elections.


Facebook Comments