APRUBADO NA | Batas na nagpapataw ng habambuhay na pagkakakulong laban sa mga ATM at credit card skimmers, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng kongreso ang panukalang batas na patawan ng habangbuhay na pagkakakulong ang mga atm at credit card skimmers.

Ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone, Chairman ng Committee on Banks and Financial Intermediaries, unanimous ang naging desisyon ng kamara sa pag-apruba sa house bill no. 6710.

Sa ilalim nito, maikokonsiderang economic sabotage ang pag-hack sa computer system ng mga bangko, pagnanakaw ng account details ng 50 o higit pang ATM o credit card, at paglalagay ng virus sa banks system.


Aniya, ang economic sabotage ay isang non-bailable na kaso na bukod sa habangbuhay na pagkakakulong ay may multang aabot sa P5 milyon.

Facebook Comments