Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang isang Memorandum Order na lilikha ng National Communication Policy para sa buong pamahalaan.
Layon ng nasabing kautusan ay ma-institutionalize ang paghahatid ng impormasyon at mensahe papunta sa mamamayan mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak naman ni Andanar na makararating hanggang sa mga barangay ang lahat ng impormasyon mula sa Chief Executive.
Kahapon aniya ito napagtibay matapos ang 19 na taong pag-aaral ng pamahalaan at ito ang ikatlong polisiya na nilikha ng Presidential Communication Operation Office (PCOO) sa ilalim ng Duterte Administration kung saan ang unang dalawa ay ang Freedom of Information at paglikha sa Taskforce on Media Security.