APRUBADO NA | No Call, No Registration Bill, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang no call, no registration system bill.

Layon ng house bill 7321 na iniakda ni Cavite Representative Francis Gerald Abaya, na magtakda ng mga polisiya para sa proteksyon ng mga cellphone subscribers at ng parusang lalabag dito.

Nakapaloob rin rito ang no call register at no text register kung saan magpapalista ang subscriber na ayaw niyang makatanggap ng tawag o voice message o kaya naman text advertisement.


Ipinagbabawal din ang pagpapadala ng ads at push messages maliban kung may consent ang subscriber o kung pumayag ito nang walang bayad.

Ang mga telephone number naman na nasa no local at no text register ay hindi maaaring palitan maliban na lamang kung i-request na ng may-ari nito.

Sakaling maging batas, papatawan ng multang P50,000 hanggang P100,000 ang lalabag dito.

Facebook Comments