Limang Plastik ng Shabu, Nakuha Mula sa Isang Tulak ng Droga!

Enrile, Cagayan – Arestado ang isang tulak ng droga matapos maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay Villa Maria, Enrile, Cagayan.

Nakuha ang limang plastik sachet na may lamang white crystalline na pinaniniwalaang shabu at marked money na isang libong piso mula sa suspek na si Mike Paul Mabazza, bente sais anyos at residente ng Barangay Centro 4, Villa Maria, Enrile, Cgayan.

Sa ibinahaging impormasyon sa RMN Cauayan, nadakip si Mabazza sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na grupo ng PNP Enrile at PDEA kung saan kumagat ang tulak ng droga sa pain ng isang nagpanggap na bumili ng shabu.


Nasa himpilan na ng PNP Enrile si Mabazza at mga nakuhang ebidensya para sa karagdagang disposisyon at para masampahan ng kaso.

Facebook Comments